Jackie Chanak says
“Magandang whatever po sa inyong mga bitches. Ito po ang inyong lingkod, Jackie Chanak. I know, I know, you’re a big fan. Like I said, whatever. Ang tagal niyo na daw akong gustong makikilala. Well, your long pathetic wait is over. This is me, Jackie, in all my glory. Maglaway kayo sa seksi kong shirtless profile pic (hihihi…okay ba mga ‘teh?). Anyway, sabi nga ni kuya Chico, madami daw kayong mga rekwes. Kesyo, “Let Jackie go on board”, “Let Jackie collaborate with the zinger-zongwriter”, “Do a Top Ten topic about Jackie”…hinay-hinay lang, mga echoserang jejefrog. Alam niyo, I know malakas ang appeal ko. Pero I’m not sure I’m ready for superstardom. Hindi ko naman ginusto to eh. Simple lang naman ang gusto ko sa buhay eh…puso, atay, mga ganun lang! Aanhin ko ang fame and fortune (those material manifestations hold little value in tiyanak society). And don’t bother showering me with your pitiful human gifts. Wag kayong maka-bisita sa RX na may dalang Starbox, mamaya nonfat pa dalhin niyo, eh ang gusto ko nga yung matataba, yung di nagwo-work out (hihihi)! Kung talagang mahal niyo, dalhan niyo nalang ako ng snack. Siguro yun nalang pinakapangit niyong anak, para di niyo masyadong mami-miss. Wag niyo din ako dalhan ng thundercats, may lasang lupa na yun. Wag din taong grasa, masyadong oily. Ayoko din ng beki, kasi allergic ako sa gluta. As for Facebook, forget it. Hindi ko kayo puwedeng i-add as friends kasi hindi ko kayo friends, ang tingin ko sa inyo, ulam. Wag na rin tayong mag-EB, baka isipin ko pa nasa all-you-can-eat buffet ako. O siya mga fans, iwan ko muna kayong mga losers, kasi maghahasik pa ko ng lagim. Malay niyo, kayo ang bibisitahin kong next….” |
2 comments:
testing for comments...
hahaha,,, ang kulit nakakatuwa naman po ito ma'am bernie,, daming tawa... at ang sosyal narin po uh pwede na mag comment,,, hehe,, sa susunod po baka may like at super like button na din dito,,, hehehe :D
Post a Comment